Bakit kaya ayaw niyang maniwala sa akin
Sa tinitibok ng aking damdamin
Akala niya siguro ako ay nagbibiro
Seryoso naman itong aking puso
Alam kong mali ang aking nararamdaman
Pero hindi ko ito kayang pigilan
Mas mapipigilan pa ang rumaragasang tubig
Pero hindi ang taong umiibig
Kung ito man ay aking sasabihin
Maunawaan sana niya ang aking saloobin
Di ko naman inaasahan ang kanyang matamis na oo
Ngunit sana ay maniwala siya dito
Mahal ko siya di ko alam kung bakit
Ngunit ako ay nagdadalawang isip
Baka kasi siya ay magalit
Kung ito ay aking ipipilit
Gusto ko sana siyang kalimutan
Dahil marami ang masasaktan
Ngunit paano ko ito malalampasan
Kung siya lagi ang nilalaman ng aking isipan
Hindi talaga magiging kami
Ayaw ko ring magbaka sakali
Dahil alam kong hindi niya ako gusto
Sapagkat iba ang sinisinta ng kanyang puso
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment