Ang hirap talagang maging Overseas Filipino Worker (OFW), malayo ka sa mga mahal mo sa buhay at halos araw-araw ay kalaban mo ang lungkot dahil sa pananabik na makita ang iyong mga minamahal sa Pilipinas. Malaki nga ang sweldo mo dito sa abroad kumpara sa Pilipinas pero napakarami pa rin tayong mga kababayan na hindi nakakaipon kahit ginugol na ang buong buhay nila sa pagkayod dito sa ibang bansa, bakit?, ang isang dahilan ay ang pagbili ng mga phonecards na halos umabot ng 10-20% kaltas sa kanilang sahod. Ang pagbili ng mamahaling kagamitan kagaya ng cellphone, gadgets, damit at pati pagkain ay mahal din. At ang higit sa lahat na sa paniwala ko na nakapagpapabutas ng bulsa ng mga kababayan nating OFW ay ang "Pag-utang" sa mga bangko o sa mga financial/loan centers. Hindi rin maiiwasang hindi ka tumulong sa ibang mahal natin sa buhay kapag sila ay nangangailangan lalo kapag nagkasakit ang mga ito, kaya tama lang na ideklara na ang mga OFW ay ang mga bagong bayani ng ating bayan.
Ako nga pala si Michael, isang OFW at isa sa mga milyon-milyung nagpapadala ng pera sa mga mahal ko sa buhay sa Pilipinas at sa pamamagitan nyan ay natulungan ko na rin ang ating bansa sa kanyang pag-unlad "daw". Pasensya na po kayo kung bakit "daw" ang isinulat ko dahil alam naman nating lahat na halos walang naramdamang "pag-unlad" ang ating bansa partikular nalang sa mga kababayan nating nakatira sa mga kalsada, mga nagugutom, mga walang hanap-buhay, walang sapat na gamit sa paaralan, mga lubak-lubak na kasada, at maging sa mga probinsya na di umuunlad. Ngayon sabihin nyo sa akin kung mali ang mga sinasabi ko?, hindi ko naman sinasabi na walang nagagawa o inutil ang ating gobyerno sa pagsugpo sa kahirapan sa ating bansa dahil ramdam ang kahirapan sa buong mundo pero masasabi kong hindi sapat ang kanilang ginagawa para sa mga mahihirap, bakit ko nasabi yan?, dahil imbes na itulong sa mga mahihirap, ang ginawa ay kinurakot ang pera na para sana sa proyekto at ang ihahalimbawa ko dyan ay ang NBN-ZTE at Fertilizer Fund Scam. Kahit 5% man lang sana sa nasabi kong kinurakot ng gobyerno ay napakalaking maitutulong sana sa mga kababayan nating naghihikahos. Kaya tuloy kaming mga OFW ay naghahangad na bumagsak ang piso kontra dolyar dahil wala rin namang nangyayari sa ating ekonomiya, hindi pa rin bumababa ang mga pangunahing bilihin.
Napakalungkot dito sa abroad kaya ang iba ay naghahanap nalang ng mga paraan para mapawi ang kanilang kalungkutan. Ang iba ay nagnenegosyo, may nagpapartime din, may mga pumupunta sa kung anong relihiyon o church dito, pero may iba tayong mga kababayan na humanap ng kaligayahan sa kasalanan at ang tinutukoy ko po dito ay yung mga may asawa na sa pilipinas ay nagkaroon pa ng karelasyon dito sa abroad. Masasabi ko po sa mga gumagawa ng ganyan, na napakahirap po ng sitwasyon ninyo kaya po habang maaga ay bitawan nyo na yan.
Sa pagtatapos nitong maiksi kong sulat ay sana maramdaman ninyo na laging mayroong Diyos na gagabay sa atin sa dako pa roon ng ating mga buhay, subok ko na po ang Diyos dahil halos lahat ay nakamit ko na ang basbas niya na mga biyaya. Kaya kabayan, hindi ka nag-iisa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment